Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8:...

30
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery 10

Transcript of Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8:...

Page 1: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

Araling Panlipunan

Unang Markahan – Modyul 8:

Disaster Rehabilitation

and Recovery

10

Page 2: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

ii

Araling Panlipunan– Ikasampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V

Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V

Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Lawrence C. dela Cruz

Tagasuri ng Nilalaman: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD

Romeo P.Lorido /Anastacia M.Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: John Paul C. Paje

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jay Ahr E. Sison

Tagaguhit: Vincent D. Robles

Tagalapat: Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

iii

10

Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 8:

Disaster Rehabilitation

and Recovery

Page 4: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 10 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Disaster Rehabilitation and Recovery.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 10 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Disaster Rehabilitation and Recovery.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

mag-aaral.

Page 5: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

v

Ang modyul na ito ay ginawabilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Page 6: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

vi

Karagdagang Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito

ay upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 10.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO:

Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Community-Based Disaster

Risk Reduction and Management Plan.

Sa modyul na ito, pag-aaralan mo ang konsepto ng Ikaapat na Yugto ng

Disaster Risk Reduction and Management Plan. Partikular ang mga nararapat gawin

sa panahon ng pagbangon matapos ang mga kalamidad. Nahahati ito sa tatlong

aralin:

Leksyon 1 – Kahulugan ng Disaster Rehabilitation and Recovery

Leksyon 2 – Mga Polisiya ukol sa Disaster Rehabilitation and Recovery

Leksyon 3 – Kahalagahan ng Pagsasagawa ng Disaster Rehabilitation and

Recovery

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. naipaliliwanag ang kahulugan at mga konsepto ng Disaster Rehabilitation and Recovery;

2. natatalakay ang iba’t ibang polisiya ukol sa pagsasagawa ng Disaster Management sa Pilipinas; at

3. napapahalagahan ang pagsasagawa ng Disaster Management sa bansa.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

2

Subukin

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and

Management (DRRM) Plan?

A. Disaster Rehabilitation and Recovery

B. Disaster Prevention and Mitigation

C. Disaster Preparedness

D. Disaster Response

2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Ikaapat na Yugto ng Disaster Risk Reduction

and Management Plan?

A. Tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad.

B. Gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang

masamang epekto ng mga kalamidad.

C. Inihahanda ang mamamayan sa paparating na kalamidad.

D. Sinusuri kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.

3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng

Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan?

A. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang

kalamidad.

B. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang

komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga paparating

na kalamidad.

C. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.

D. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga

pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.

4. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang sa mga gawain sa Ikaapat na Yugto ng

DRRM Plan?

A. Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon.

B. Pagpapanumbalik ng suplay ng tubig at kuryente.

C. Pagkukumpuni ng mga nasirang bahay.

D. Pagkukulang sa suplay ng pagkain, damit at gamot.

5. Bakit mahalagang mabantayan ang presyo ng mga bilihin pagkatapos ng isang

kalamidad?

A. Upang masiguro na hindi malulugi ang mga nagtitinda.

B. Upang mahirapan ang tao na makabangon mula sa kalamidad.

C. Upang maiwasan ang mananamantalang negosyante.

D. Upang mapabagsak ang presyo ng mga bilihin.

Page 9: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

3

6. Alin sa sumusunod na pandaigdigang organisasyon ang HINDI kabilang sa Inter-

Agency Standing Committee (IASC) na nagpalabas ng Preliminary Guidance Note

ukol sa pagpapalakas ng Humanitarian Response?

A. Red Cross at Red Crescent Movement

B. World Health Organization

C. World Bank

D. United Nations

7. Ano ang ibig sabihin ng NDCC?

A. National Disaster Coordinating Council

B. National Disaster Coordination Commission

C. National Disaster Coordination Company

D. National Disaster Coordinating Corporation

8. Ano ang nilalaman ng NDCC Circular No. 5-2007?

A. Itinalaga nito sa pamahalaan ang lahat ng responsibilidad sa panahon ng

mga kalamidad.

B. Binuo ang National Disaster Risk Reduction and Management Council.

C. Nagpapatatag sa Cluster Approach sa pagbuo ng Disaster Management

System sa Pilipinas.

D. Pinagtibay nito na Bottom-Up Approach ang gagamitin ng pamahalaan

sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa.

9. Alin sa sumusunod na antas ang itinalaga bilang Cluster Leads o

mamumuno sa bawat cluster sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa?

I. Nasyunal II. Rehiyonal III. Probinsyal

A. I at II

B. II at III

C. I at III

D. I, II, at III

10. Alin sa sumusunod ang nabuo sa bisa ng Executive Order No. 01-2007 sa

lalawigan ng Albay?

A. Ayuda Albay Coordinating Task Force

B. Albay Mabuhay Task Force

C. Lakbay Albay Task Force

D. Alalay Albay Coordinating Task Force

11. Alin sa sumusunod na gawain ang HINDI kabilang sa tungkulin ng Albay

Mabuhay Task Force na may layuning ipatupad ang mas komprehensibong

programa para sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng

kalamidad?

A. Pagpapatag ng seguridad at suplay ng pagkain at pangunahing

pangangailangan.

B. Pagpapasigla ng information campaign.

C. Pagpapatigil ng mga gawaing pangkabuhayan.

D. Pagbuo ng iba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad na

siyang mamumuno sa panahon ng panganib.

Page 10: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

4

12. Ano ang naging epekto ng pagtatag ng mga Disaster Task Force ng Albay sa naging pagharap nito sa mga nagdaang kalamidad?

A. Mas marami ang namatay bunsod ng mga nagdaang kalamidad.

B. Marami pa rin ang nasirang mga imprastruktura dulot ng mga kalamidad.

C. Mas malala ang naging masamang epekto ng mga kalamidad.

D. Maiwasan ang mas malalang epekto ng mga kalamidad sa lalawigan.

13. Paano magiging matagumpay ang pagbuo ng isang DRRM Plan sa isang lugar?

A. Pangungunahan ng pamahalaan ang lahat ng gawain sa pagbuo nito.

B. Pangingibabawan ng mga ordinaryong mamamayan ang pagpapaplano.

C. Manghihimasok ang mga NGO sa pagbuo ng DRRM Plan.

D. Magtutulungan ang pamahalaan, mga NGO at mga mamamayan sa

pagbuo ng DRRM Plan.

14. Alin sa sumusunod ang iniaatas ng DepEd Order No. 55, s. 2008?

A. Pagbuo ng Disaster Risk Reduction Resource Manual para sa mga

pampublikong paaralan.

B. Pagtatalaga ng mga DRRM Focal Person sa mga paaralan.

C. Mga panuntunan sa mga paaralan sa panahon ng kalamidad.

D. Pagiging evacuation center ng mga paaralan sa panahon ng mga

kalamidad.

15. Paano ang mabisang pagharap sa mga suliranin at hamong pangkapaligiran?

A. Pagtatapon ng basura kung saan-saan kabilang na ang mga ilog at sapa.

B. Patuloy na pagbuga ng usok ng mga sasakyan at pabrika.

C. Pagtatanim ng mga puno at pangangalaga sa kalikasan.

D. Pagkuha ng mga likas-yaman na sobra-sobra o higit pa sa kailangan.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 11: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

5

Aralin

1 Ika-apat na Yugto ng DRRM Plan:

Disaster Rehabilitation and Recovery

Matapos maisagawa ang una hanggang ikatlong yugto ng Disaster Risk

Reduction and Management Plan, mahalagang malaman na hindi nagtatapos sa

pagtugon lamang sa mga pangangailangan ng mga mamamayan matapos ang isang

kalamidad. Kinakailangang tuluyang makabangon ang mga mamamayan upang

lubusan silang makabalik sa normal nilang mga buhay.

Balikan

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang tungkol sa Ikatlong Yugto ng Disaster

Risk Reduction Management (DRRM) Plan na Disaster Response. Upang mapagtibay

ang natutuhan mo ukol rito, isulat sa tsart ang mga angkop na konsepto o sitwasyon

na nasa kahon sa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

Needs Assessment Damage Assessment Loss Assessment

— pagguho ng gusali — pagkawala ng pasok sa eskwela

— pagkain at tubig — maayos na tirahan

— pagbagsak ng tulay — pagtigil ng daloy ng trapiko

— mabisang gamot — pagkawasak ng mga taniman

— pagkamatay ng mga alagang hayop

Page 12: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

6

Tuklasin

Panuto: Basahin ang artikulo sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong

matapos nito. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

Pamprosesong Tanong:

1. Ano ang nilalaman ng artikulo?

2. Paano tinutulungan ng gobyerno at ng iba pang sektor ng lipunan ang mga

nasasalanta ng mga kalamidad?

3. Ano ang konsepto ng Rehabilitation and Recovery sa Disaster Management

ayon sa artikulong nabasa?

https://www.officialgazette.gov.ph/aquino-administration/disaster-preparedness/

Page 13: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

7

Suriin

IKAAPAT NA YUGTO: DISASTER REHABILITATION AND RECOVERY

Ang ikaapat na yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan ay

nakatuon sa rehabilitation at recovery ng mga taong nasalanta ng kalamidad. Ang

salitang rehabilitation ay nangangahulugang pagpapanumbalik ng mga nasirang

bagay sa dati nitong anyo o gamit. Ang recovery naman ay tumutukoy sa konsepto

ng pagbawi o paggaling mula sa isang bagay/pangyayari. Ang dalawang salitang ito

ay ang esensya ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan. Layunin ng yugtong ito ang

manumbalik sa dating kaayusan at normal na daloy ang pamumuhay ng isang

nasalantang komunidad. Nakatuon ito sa mga hakbang at gawain sa pagsasaayos

ng mga nasirang pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo,

ilan sa halimbawa ng mga gawain sa yugtong ito ang sumusunod:

pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon;

paniniguro sa suplay ng tubig at kuryente;

pagkukumpuni ng mga nasirang kabahayan;

paninigurong sapat ang suplay ng pagkain, damit, at gamot;

pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilihin; at

pagkakaloob ng psychosocial services.

Page 14: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

8

Noong 2006, nagpalabas ng Preliminary Guidance Note ang Inter-Agency

Standing Committee (IASC). Ang komiteng ito ay binubuo ng iba’t ibang Non-

Governmental Organizations (NGOs), Red Cross at Red Crescent Movement,

International Organization for Migration (IOM), World Bank at mga ahensya ng

United Nations. Ang Guidance Note na ito ay tungkol sa pagpapakilala ng Cluster

Approach na naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t ibang sektor ng lipunan

sa pagtugon sa mga epekto ng mga kalamidad. Sa approach na ito, mas magiging

malawak ang mabubuong plano at istratehiya sa pagtugon sa pangangailangan ng

mga mamamayan upang makabangon sa masamang dulot ng mga kalamidad. Sa

pamamagitan din ng approach na ito ay mas magagamit din ng mahusay ang mga

pinagkukunang yaman ng isang komunidad sa panahon matapos ang kalamidad.

Ang Cluster Approach ang ginamit na batayan ng National Disaster

Coordinating Council (NDCC) sa pagbuo ng sistema para sa pagharap sa mga

sakuna, kalamidad, at hazard sa Pilipinas. Ipinalabas nila noong ika-10 ng Mayo,

2007 ang NDCC Circular No. 5-2007. Ito ay isang direktibo na nagpapatatag sa

Cluster Approach sa pagbuo ng mga Disaster Management System sa Pilipinas kung

saan ay magtatalaga ng pinuno ng bawat cluster (Cluster Leads) para sa tatlong

antas: nasyunal, rehiyunal, at probinsiyal (tingnan ang pigura sa susunod na

pahina).

Sa sistemang ito, mayroong namumuno para sa bawat antas ng pamahalaan

na mayroong kinalaman sa Disaster Management. Magsisimula ito sa pamahalaang

nasyunal. Mayroong mga mamumuno sa antas ng rehiyon at mayroon din para sa

bawat lalawigan. Sa ganitong paraan ay mas mapapadali ang pagtugon sa mga

kalamidad sa iba’t ibang antas.

Cluster Leads

Rehiyunal

Cluster Approach sa Disaster Management System sa Pilipinas

Probinsiyal

Nasyunal

Page 15: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

9

Isang halimbawa ng paggamit ng cluster approach ang ginawa ng Albay noong

2007. Ipinalabas nila ang Executive Order No. 01-2007 na bumuo sa Ayuda Albay

Coordinating Task Force. Ang task force na ito ang siyang namuno sa pagtugon at

rehabilitasyon ng lalawigan matapos ang bagyong Reming. Ipinalabas din nila ang

Executive Order No. 02-2007 na bumuo naman sa Albay Mabuhay Task Force na

may layunin na ipatupad ang mas komprehensibong programa para sa pagtugon at

rehabilitasyon ng Albay sa panahon ng kalamidad. Ipinatupad dito ang pagbuo ng

iba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad sa Albay. Ang mga

cluster na ito ay may tungkulin na:

mamuno sa kanilang nasasakupan sa panahon ng panganib;

tiyakin ang seguridad at suplay ng pagkain at mga pangunahing

pangangailangan;

paigtingin ang mga information campaign ukol sa paghahanda sa mga

kalamidad; at

payabungin ang mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.

Ang mga hakbang na ito ng Albay ay nagdulot ng magagandang resulta. Isang

patunay nito ang pagdedeklara ng Albay ng zero casualty noong nanalasa ang

Bagyong Glenda taong 2014. Pinatutunayan lamang nito na kung magiging maayos

ang sistema ng disaster management sa isang lugar ay mababawasan, kung hindi

man maiiwasan, ang masasamang epektong dulot ng mga kalamidad. Isa pa sa susi

ng tagumpay ng Albay ang partisipasyon ng lahat ng sektor ng lipunan: mula sa

Pamahalaan, mga Pribadong Sektor, NGOs at ng mga ordinaryong mamamayan sa

pagpaplano at implementasyon ng kanilang Disaster Management Plan.

Dito makikita na mahalaga na wasto ang pagsasagawa ng mga unang bahagi

ng Disaster Management Plan. Kung naisagawa ang mga paunang pagtataya sa

Unang Yugto na Disaster Prevention and Mitigation, naihanda ang mga mamamayan

sa Ikalawang Yugto na Disaster Preparedness at kung nakatugon ba sa Ikatlong

Page 16: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

10

Yugto na Disaster Response ay paniguradong mas maayos at mas madaling

maisasagawa ang muling pagbangon ng mga nasalanta ng kalamidad sa Ikaapat na

Yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery.

Ang Apat na Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management Plan

Kaya naman, bilang tugon ng Kagawaran ng Edukasyon sa adhikain ng

Disaster Risk Reduction and Management ay ipinalabas nito ang DepEd Order No.

55, s. 2008. Ang atas na ito ay bumuo sa Disaster Risk Reduction Resource Manual

na naging batayan upang magamit ng mga pampublikong paaralan sa bansa ang

mga konsepto na may kaugnayan sa disaster risk reduction and management.

Itinuturo na rin ang mga konseptong ito sa Araling Panlipunan at MAPEH sa Junior

High School at sa asignaturang Disaster Readiness and Risk Reduction sa Senior

High School.

Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness

Ikatlong Yugto: Disaster Response

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery

Unang Yugto: Disaster

Prevention and Mitigation

Page 17: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

11

Pagyamanin

A. Panuto: Punan ng mga impormasyon ang Venn Diagram sa ibaba na tumutukoy

ng kahulugan ng Rehabilitation at Recovery. Gamit naman ang mga kahulugang ito

ay bubuo ka ng sarili mong pakahulugan sa konsepto ng Disaster Rehabilitation and

Recovery. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

B. Panuto: Lagyan ng ang patlang kung ang pahayag ay wasto at naman kung

hindi wasto ang pahayag. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

____ 1. Ang Disaster Rehabilitation and Recovery ay ang Ikaapat na Yugto ng

Disaster Risk Reduction and Management Plan.

____ 2. Ang salitang rehabilitation ay tumutukoy sa pagbangon o paggaling.

____ 3. Ang recovery ay tumutukoy sa pagpapanumbalik sa dating anyo o gamit.

____ 4. Isa sa mga gawain sa disaster rehabilitation and recovery ang pagbabantay

sa presyo ng mga pangunahing bilihin.

____ 5. Kailangang masiguro na sapat ang suplay ng pagkain, damit at gamot sa

panahon matapos ang isang kalamidad.

____ 6. Layunin ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan ang mapanatili ang mga nasira

ng kalamidad sa isang lugar.

____ 7. Kinakailangan na mapanumbalik sa normal na daloy ang buhay ng mga

nasalanta ng kalamidad.

____ 8. Mahalaga ang bahagi ng paaralan upang mas mapabilis ang recovery ng

isang lugar.

Disaster Rehabilitation and Recovery

__________________________________________________________________

__________________________________________________________________

Rehabilitation ______________________ ______________________ ______________________ ______________________ ______________________

Recovery _____________________ _____________________ ____________________________________________________________

Page 18: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

12

____ 9. Pinapayagan ang sobrang pagtaas ng presyo ng mga bilihin matapos ang

kalamidad.

____ 10. Kabilang sa mga gawain sa Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan ang

pagkakaloob ng psychiatric services sa mga nasalanta ng kalamidad.

C. Panuto: Punan ng mga angkop na impormasyon ang graphic organizer sa ibaba

ukol sa mga polisiya na may kaugnayan sa Disaster Rehabilitation and

Recovery. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

D.Panuto: Basahin ang mga pahayag sa HANAY A at alamin ang tinutukoy nito sa

HANAY B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang sa iyong sagutang papel.

HANAY A HANAY B

_____1. Nagpakilala ng Cluster Approach na

naglalayong mapatatag ang ugnayan ng iba’t

ibang sektor ng lipunan sa pagtugon sa mga

epektong mga kalamidad

a. DepEd Order No. 55,

s. 2008

b. Executive Order

No. 01-2007

c. Executive OrderNo.

02-2007

d. NDCC Circular

No. 5-2007

e. Preliminary

Guidance Note ng

IASC

_____2. Isang direktibo na nagpapatatag sa Cluster

Approach sa pagbuo ng mga Disaster

Management System sa Pilipinas

_____3. Bumuo sa Ayuda Albay Coordinating Task

Force

_____4. Bumuo sa Albay Mabuhay Task Force

_____5. Bumuo sa Disaster Risk Reduction Resource

Manual na naging batayan upang magamit ng

mga pampublikong paaralan sa bansa

Preliminary Guide Note ng IASC

NDCC Circular No. 5-2007

Executive Order No. 01-2007 ng Albay

Executive Order No. 02-2007 ng Albay

DepEd Order

No. 55, s. 2008

Page 19: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

13

E. Panuto: Punan ang Graphic Organizer sa ibaba ng mga angkop na impormasyon

ukol sa kahalagahan ng Ikaapat na Yugto ng DRRM Plan: Disaster Rehabilitation

and Recovery. Isulat ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

F. Panuto: Lagyan ng kung ito ay kabilang sa mga gawaing mahalaga sa

pagsasagawa ng Disaster Rehabilitation and Recovery.

_____1. Pamumuno sa kanilang nasasakupan sa panahon ng panganib.

_____2. Pagsisiguro sa seguridad at suplay ng pagkain at pangunahing

pangangailangan.

_____3. Pagpapaigting ng mga information campaign ukol sa paghahanda sa mga

kalamidad; at

_____4. Pagpapayabong sa mga gawaing pangkabuhayan sa mga nasalantang lugar.

_____5. Paniniguro na unang nabibigyan ng tulong ang mga kamag-anak ng mga

opisyales ng komunidad.

_____6. Pagpapabaya sa nasasakupan pagkatapos ng isang kalamidad.

_____7. Pananamantala sa inabandonang bahay dulot ng kalamidad.

_____8. Muling pagpapaalala sa mga nararapat gawin kung sakaling may mga

kalamidad na dadating.

_____9. Paggabay sa mga mamamayan sa kanilang pagbangon mula sa mga

pinsalang dulot ng kalamidad.

_____10. Paggamit ng pondo sa Disaster Management sa ibang gastusin.

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

____________________________________

Kahalagahan ng

Disaster Rehabilitation and Recovery

Page 20: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

14

Isaisip

Panuto: Sagutin ang sumusunod sa pamamagitan ng tatlong pangungusap. Isulat

ang iyong sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Bakit mahalagang maisagawa ang disaster rehabilitation and recovery sa isang

lugar na nasalanta ng isang kalamidad?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Ano ang cluster approach at bakit ito inirerekomendang ipatupad matapos ang

mga kalamidad?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Ano ang maitutulong mo matapos ang isang kalamidad?

_______________________________________________________________________________

_______________________________________________________________________________

Isagawa

Panuto: Ngayong natutuhan mo na ang lahat ng yugto sa pagbuo ng isang DRRM

Plan, ilalapat mo na ang mga ito. Gagawa ka ng isang simpleng DRRM Plan para sa

komunidad kung saan ka naninirahan. Narito ang kinakailangang nilalaman ng

gagawing plano:

1. Unang Yugto: Disaster Prevention and Mitigation

a. Hazard Assessment - Hazard Profiling at Hazard Mapping

b. Vulnerability Assessment

c. Capacity Assessment

d. Risk Assessment

2. Para sa Ikalawang Yugto - Disaster Preparedness, Ikatlong Yugto - Disaster

Response at Ikaapat na Yugto - Disaster Rehabilitation and Recovery

a. makipanayam sa isang opisyal ng barangay na nakatoka sa Barangay

Disaster Risk Reduction and Management. Maaaring ito ay sa

pamamagitan ng questionnaire o di kaya’y online na pakikipanayam

Page 21: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

15

(makipag-ugnayan muna sa guro sa pagsasagawa nito). Alamin ang

ginagawa ng kawani ng inyong barangay sa panahon bago, habang at

pagkatapos ng kalamidad. Kinakailangan na nilalaman nito ang mga

konseptong nakapaloob sa bawat yugto.

3. Rekomendasyon

a. matapos mong makuha ang mga impormasyon sa Unang Yugto ay

gumawa ka ng sarili mong rekomendasyon sa kung ano ang nararapat

gawin ng inyong barangay sa panahon ng kalamidad. Gamiting gabay ang

mga nakuha mong impormasyon sa Ikalawa hanggang Ikaapat na Yugto.

Ang lahat ng ito ay pagsasamahin mo sa isang powerpoint presentation na

ipapasa mo sa iyong guro. Upang magabayan ka sa pagmamarka. Tingnan ang

rubric sa ibaba:

Kraytirya

Di

Pangkaraniwan

4

Kahanga-

hanga

3

Katanggap-

tanggap

2

Pagtatangka

1

1. Kalidad ng

datos

Angkop at may

kaugnayan ang

mga datos sa

paksa.

May

kaugnayan sa

paksa

May kaugnayan

sa paksa

ngunit ang

ibang datos ay

di - angkop.

Walang

kaugnayan at

di - angkop.

2. Bilang ng

datos

Higit sa

itinakdang

bilang

Nakasunod sa

itinakdang

bilang

May ilang

kakulangan

Maraming

kakulanagn

3. Kayarian ng

PowerPoint

Presentation

May kaiga-

igayang

kayarian,

artistiko,

maayos ang

kabuuang

ginawa.

May kaiga -

igayang

kayarian,

maayos ang

kabuuang

ginawa.

Maayos ang

pagkaka-type

subalit di-

organisado ang

mga slides

Di- maayos ang

pagkaka-type

at di-

organisado ang

mga slides

4. Pagsusumite

Nakapagsumite

sa itinakdang

araw.

Nakapagsumit

e sa tamang

oras.

Nakapagsumite

ngunit huli sa

itinakdang

araw.

Higit sa 1

linggo ang

kahulihan.

Page 22: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

16

Tayahin

Panuto: Basahin ang sumusunod na pahayag at piliin ang titik ng tamang sagot.

Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

1. Pang-ilang Yugto ng Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) Plan ang

Disaster Rehabilitation and Recovery?

A. Una

B. Ikalawa

C. Ikatlo

D. Ika-apat

2. Alin sa sumusunod ang ginagawa sa Disaster Rehabilitation and Recovery?

A. Tinataya kung gaano kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad.

B. Inihahanda ang mga mamamayan sa paparating na kalamidad.

C. Gumagawa ng mga hakbang upang maiwasan o mabawasan ang

masamang epekto ng mga kalamidad.

D. Tinutulungang makabangon ang mga nasalanta ng kalamidad.

3. Bakit mahalaga ang mga impormasyong makukuha mula sa mga gawain ng

Disaster Rehabilitation and Recovery?

A. Makapaghahanda ang mga pamayanang sasalantahin ng kalamidad.

B. Magsisilbi itong batayan upang maging epektibo ang pagtugon sa mga

pangangailangan ng isang pamayanang nakaranas ng isang kalamidad.

C. Matutulungan nito ang maraming tao na makabangon matapos ang isang

kalamidad.

D. Matutukoy nito ang mga hazard, vulnerability, risk at capacity ng isang

komunidad na magagamit naman nila sa paghahanda sa mga

paparating na kalamidad.

4. Si Jacob ay miyembro ng DRRM team na tumutulong upang maging maayos ang

implementasyon ng DRRM Plan. Alin sa sumusunod ang HINDI niya dapat gawin

sa yugto ng Disaster Rehabilitation and Recovery?

A. Pagkukumpuni ng mga bahay.

B. Pagkukulang sa suplay ng pagkain, damit at gamot.

C. Pagpapanumbalik ng sistema ng komunikasyon at transportasyon.

D. Pagpapanumbalik ng suplay ng tubig at kuryente.

5. Alin sa sumusunod na gawain sa Disaster Rehabilitation and Recovery ang

ginagawa upang maiwasan ang pananamantala ng ilang mga negosyante sa ilang

mamimili?

A. price freeze/control

B. psychosocial services

C. relief operations

D. financial assistance

Page 23: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

17

6. Alin sa sumusunod ang komiteng nagpalabas ng Preliminary Guidance Note ukol

sa paggamit ng Cluster Approach sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga

mamamayan sa panahon ng kalamidad?

A. Inter-Agency Standing Committee

B. International Committee on Disaster Management

C. Committee on Disaster Response and Cooperation

D. Inter-Governmental Committee on Disasters

7. Sa acronym na NDCC, ano ang ibig sabihin ng unang letrang C?

A. Council

B. Committee

C. Coordinating

D. Commission

8. Alin sa sumusunod ang pinagtibay ng NDCC Circular No. 5-2007 sa larangan ng

Disaster Management System sa PIlipinas?

A. Paggamit ng top-down approach sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa.

B. Pagpapatupad ng bottom-up approach sa larangan ng Disaster

Management sa bansa.

C. Paggamit ng cluster approach upang mapatatag ang ugnayan ng iba’t

ibang sektor ng lipunan sa pagtugon sa mga kalamidad sa bansa.

D. Pagbuo ng bagong approach na akma sa mga kalamidad sa Pilipinas.

9. Bukod sa Nasyunal at Rehiyunal, ano pang antas ang kabilang sa mga Cluster

Leads ayon sa panuntunan ng NDCC?

A. probinsyal

B. panlungsod

C. pambayan

D. pambarangay

10. Alin sa sumusunod ang nabuo sa bisa ng Executive Order No. 01-2007 sa

lalawigan ng Albay?

A. Lakbay Albay Task Force

B. Alalay Albay Coordinating Task Force

C. Ayuda Albay Coordinating Task Force

D. Albay Mabuhay Task Force

11. Alin sa sumusunod na gawain ang kabilang sa tungkulin ng Albay Mabuhay

Task Force na may layuning ipatupad ang mas komprehensibong programa para

sa pagtugon at rehabilitasyon ng lalawigan sa panahon ng kalamidad?

I. pagpapatag ng seguridad at suplay ng pagkain at pangunahing

pangangailangan

II. pagpapasigla ng information campaign

III. pagbuo ng iba’t ibang cluster sa bawat barangay, bayan at komunidad na

siyang mamumuno sa panahon ng panganib

A. I

B. II

C. III

D. I, II at III

Page 24: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

18

12. Ano ang naging epekto ng pagtatatag ng mga Disaster Task Force ng Albay sa

naging pagharap nito sa mga nagdaang kalamidad?

A. Naiwasan ang mas malalang epekto ng mga kalamidad sa lalawigan.

B. Mas malala ang naging masamang epekto ng mga kalamidad.

C. Marami pa rin ang nasirang mga imprastruktura dulot ng mga kalamidad.

D. Mas marami ang namatay bunsod ng mga nagdaang kalamidad.

13. Paano magiging matagumpay ang pagbuo ng isang DRRM Plan sa isang lugar?

A. Magtutulungan ang pamahalaan, mga NGO at mga mamamayan ang

pagbuo ng DRRM Plan.

B. Pangingibabawan ng mga ordinaryong mamamayan ang pagpapaplano.

C. Pangungunahan ng pamahalaan ang lahat ng gawain sa pagbuo nito.

D. Manghihimasok ang mga NGO sa pagbuo ng DRRM Plan.

14. Alin sa sumusunod ang iniaatas ng DepEd Order No. 55, s. 2008?

A. Pagiging evacuation center ng mga paaralan sa panahon ng mga

kalamidad.

B. Pagbuo ng Disaster Risk Reduction Resource Manual para sa mga

pampublikong paaralan.

C. Mga panuntunan sa mga paaralan sa panahon ng kalamidad.

D. Pagtatalaga ng mga DRRM Focal Person sa mga paaralan.

15. Sino sa sumusunod ang gumagawa ng mabisang pagharap sa mga suliranin

at hamong pangkapaligiran?

A. Si Joy na nagtatanim ng mga puno at nangangalaga sa kalikasan.

B. Si Niko na kumukuha ng mga likas-yaman na sobra-sobra o higit pa sa

kailangan.

C. Si Noel na nagtatapon ng basura kung saan-saan tulad sa ilog at sapa.

D. Si Ferdie na patuloy sa pagbuga ng usok ng kanyang mga sasakyan.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo sinukuan ang

pagbabasa at pagsasagot sa ating huling bahagi ng ating modyul. Dahil dito handa

ka nang harapin ang susunod pang mga paksa sa ikalawang markahan. Kung iyong

nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa mga karagdagang gawain na

mas magpapalalim sa iyong pag-unawa sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Page 25: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

19

Karagdagang Gawain

A. Panuto: Gumawa ng isang infomercial (video material) ukol sa mga paghahanda

nararapat gawin sa panahon ng mga kalamidad. Maaaring mamili sa mga kalamidad

na madalas nararanasan sa inyong komunidad. Banggitin ang mga nararapat gawin

upang makaiwas sa masamang epekto ng mga kalamidad na ito. Limitahan ito sa 3-

5 minuto lamang. Gamiting gabay ang pamantayan sa susunod na pahina:

Rubric para sa Infomercial

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY

(4)

MAHUSAY

(3)

KATAMTAMAN

(2)

NANGANGAILANGAN

NG PAGSASANAY

(1)

Nilalaman Mayroong 5 o

higit pang

impormasyon

ukol sa mga

paghahandang

nararapat gawin

sa panahon ng

kalamidad.

Mayroong 3-4

impormasyon

ukol sa mga

paghahandang

nararapat

gawin sa

panahon ng

kalamidad.

Mayroong 2-1

impormasyon

ukol sa mga

paghahandang

nararapat gawin

sa panahon ng

kalamidad.

Walang impormasyon

ukol sa mga

paghahandang

nararapat gawin sa

panahon ng

kalamidad.

Pagkamalikhain Lubos na

naipamalas ang

pagkamalikhain.

Naging

malikhain.

Bahagyang

kinakitaan ng

pagkamalikhain.

Hindi nakitaan ng

pagkamalikhain.

Presentasyon

ng infomercial

Napakahusay at

walang mali.

Mahusay

ngunit may

ilang

kamalian.

Katamtamang

husay ngunit

may ilang

kamalian,

Hindi maayos at

maraming kamalian.

Panghihikayat

sa Manunuod

Lubhang

nakahihikayat sa

manunuod.

Nakahihikayat

sa manunuod

Medyo

nakahihikayat sa

manunuod.

Hindi nakahihikayat

sa manunuod.

Gamit ng Wika

at Salita

Matayog at

angkop ang mga

salitang ginamit.

Wasto ang mga

salitang

ginamit.

Gumamit ng

bilingual na

lenggwahe at

may ilang maling

salita.

Hindi angkop at mali

ang pagkakagamit ng

mga salita

B. Panuto: Gumawa ng sariling Disaster Risk Reduction and Management Plan para

sa inyong kabahayan. Kinakailangan na taglayin nito ang mga dapat ninyong gawin

bago, habang at matapos ang isang kalamidad. Maaaring mamili ng kalamidad na

madalas na nararanasan sa inyong lugar. Gamiting gabay ang template na makikita

sa susunod na pahina. Matapos ang gawaing ito ay idikit ito sa isang bahagi ng

inyong bahay upang makita ng lahat. Mamarkahan ang iyong gawa gamit ang

sumusunod na rubrik:

Page 26: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

20

Rubric para sa Disaster Risk Reduction and Management Plan

PAMANTAYAN NAPAKAHUSAY

(4)

MAHUSAY

(3)

KATAMTAMAN

(2)

NANGANGAILAN-

GAN NG

PAGSASANAY (1)

Nilalaman Mayroong 5 o

higit pang

impormasyon

ukol sa mga

nararapat gawin

sa panahon bago,

habang at

pagkatapos ng

kalamidad.

Mayroong 3-4 na

impormasyon

ukol sa mga

nararapat gawin

sa panahon bago,

habang at

pagkatapos ng

kalamidad.

Mayroong 1-2

impormasyon

ukol sa mga

nararapat gawin

sa panahon bago,

habang at

pagkatapos ng

kalamidad.

Walang

impormasyon

ukol sa mga

nararapat gawin

sa panahon bago,

habang at

pagkatapos ng

kalamidad.

Pagkamalikhain Lubos na

naipamalas ang

pagkamalikhain.

Naging malikhain. Bahagyang

kinakitaan ng

pagkamalikhain.

Hindi nakitaan ng

pagkamalikhain.

Presentasyon Napakahusay at

walang mali.

Mahusay ngunit

may ilang

kamalian.

Katamtamang

husay ngunit may

ilang kamalian,

Hindi maayos at

maraming

kamalian.

Gamit ng Wika

at Salita

Matayog at

angkop ang mga

salitang ginamit.

Wasto ang mga

salitang ginamit.

Gumamit ng

bilingual na

lenggwahe at may

ilang maling

salita.

Hindi angkop at

mali ang

pagkakagamit ng

mga salita

Kayarian

ng DRRM Plan

Napakadetalyado

ng nagawang

DRRM Plan

Detalyado ang

nagawang DRRM

Plan

Kulang ng ilang

detalye ang

nagawang DRRM

Plan

Kakaunti ang

detalye sa

nagawang DRRM

Plan

PAMBAHAY NA DISASTER AND RISK MANAGEMENT PLAN

Pinuno ng Pamilya:

Mga Miyembro ng Pamilya 1.

2.

3.

4.

5.

(magdagdag ng bilang kung mas

marami sa lima)

Eksaktong Tirahan

Lugar ng Evacuation Center:

Kalamidad na madalas o may malaking

posibilidad na maranasan

Page 27: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

21

Mga dapat gawin bago ang kalamidad:

1.

2.

3.

4.

5.

Mga dapat gawin habang may kalamidad:

1.

2.

3.

4.

5.

Mga dapat gawin matapos ang kalamidad:

1.

2.

3.

4.

5.

Ilang pang paalala:

Page 28: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

22

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN 1. A

2. A

3. A

4. D

5. C

6. B

7. A

8. C

9. D

10. A

11. C

12. D

13. D

14. A

15. C

BALIKAN

NEEDS ASSESSMENT LOSS ASSESSMENT - pagkain at tubig - pagkamatay ng mga - mabisang gamot alagang hayop - maayos na tirahan - pagkawala ng pasok sa eskwela - pagtigil ng daloy ng

trapiko

DAMAGE ASSESSMENT - pagguho ng gusali - pagbagsak ng tulay - pagkawasak ng mga tahanan

PAGYAMANIN A.

May kaniya-kaniyang

sagot.

B. 1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

PAGYAMANIN C.

May kaniya-kaniyang

sagot.

D. 1. E

2. D

3. B

4. C

5. A

PAGYAMANIN E.

May kaniya-kaniyang

sagot.

F.

1.

2.

3.

4.

5. –

6. –

7. –

8.

9.

10. -

TAYAHIN

1. D 4. B 7. C 10. C 13. A

2. D 5. A 8. C 11. D 14. B

3. C 6. A 9. A 12. A 15. A

TUKLASIN May kaniya-kaniyang sagot

ISAISIP

May kaniya-kaniyang

sagot

ISAGAWA

May kaniya-kaniyang

gawa

Page 29: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

23

Sanggunian

"Cluster Approach in Disaster Management". 2011. National Disaster Risk Reduction

and Management System. https://ndrrmc.gov.ph/2-uncategorised/1830-

cluster-approach-in-disaster-management.

"Disaster Preparedness | GOVPH". 2013. Official Gazette of the Republic of the

Philippines.https://www.officialgazette.gov.ph/aquino-administration/

disaster-preparedness/.

K To 12 Gabay Pangkurikulum Sa Araling Panlipunan 10. 2017. Ebook. 1st. Pasig:

Department of Education.

K To 12 Kagamitang Pang-Mag-Aaral Sa Araling Panlipunan 10: Mga

Kontemporaryong Isyu At Hamong Panlipunan. 2017. Ebook. Pasig:

Department of Education.

"Most Essential Learning Competencies (Melcs)". 2020. Learning Resource

Management and Development System. https://lrmds.deped.gov.ph/

download/18275.

"The National Disaster Risk Reduction And Management Plan". 2011. Department of

Interior and Local Government. https://www.dilg.gov.ph/PDF_File/reports

_resources/DILG-Resources-2012116-420ac59e31.pdf.

Page 30: Unang Markahan Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery...Unang Markahan – Modyul 8: Disaster Rehabilitation and Recovery Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293,

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]