NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na...

23
Filipino Unang Markahan - Modyul 2 Sariling Paghatol o Pagmamatuwid sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas 9

Transcript of NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na...

Page 1: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

NOT

Filipino Unang Markahan - Modyul 2

Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

9

Page 2: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

Filipino – Ikasyam na Baitang

Alternative Delivery Mode Ikalawang Kwarter, Linggo 1 – Modyul 1: Mga Pangyayari at Kaugnayan Nito sa

Lipunang Asyano

Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (awit, kuwento, tula, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, pelikula, atbp.) na nagamit sa aklat na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsusumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Mga Bumubuo ng Modyul para mga Mag-aaral

Manunulat: Giann O. Paras Mga Editor: Evelyn D. Gomolon, Ara T. Tripon Tagaguhit at Tagalayout: Irish S. Habagat Mga Tagapamahala Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V Schools Division Superintendent Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE Assistant Schools Division Superintendent Members: Henry B. Abueva, OIC-CID Chief Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS Meriam S. Otarra, PDO II Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City

Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

Telefax: (063)221-6069

E-mail Address: [email protected]

Page 3: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

Filipino

Unang Markahan - Modyul 2 Sariling Paghatol o Pagmamatuwid

sa mga Ideyang Nakapaloob sa Akda

Ang materyal sa pagtuturo na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri

ng mga piling guro, punong guro, Education Program Supervisor sa Filipino ng

Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City. Hinihikayat namin ang mga

guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at

mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon – Sangay ng Iligan City sa

[email protected] o sa telefax: (063)221-6069.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas

9

Page 4: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

iv

Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1

Alamin ……………………………… 1

Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2

Subukin ……………………………… 3

Aralin ……………………………… 6

Balikan ……………………………… 6

Tuklasin ……………………………… 7

Suriin ……………………………… 9

Pagyamanin ……………………………… 11

Isaisip ……………………………… 12

Isagawa ……………………………… 13

Buod ……………………………… 13

Tayahin ……………………………… 14

Karagdagang Gawain ……………………………… 17

Susi ng Pagwawasto ……………………………… 18

Sanggunian ……………………………… 18

Page 5: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

1

Modyul 2

Pagbubuo ng Sariling Paghatol o

Pagmamatuwid sa mga Ideyang

Nakapaloob sa Akda Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tungkol sa akdang pampanitikan ng Timog-Silangan

Asya. Inaasahan na ang mga aralin sa modyul ay tutugon sa mga pangangailangan

ng mga mag-aaral na maintindihan ang iba pang kultura at pamumuhay ng mga tao

ng karatig-bansa ng Pilipinas.

Naglalayon ang modyul na makapagbubuo ang mga mag-aaral ng sariling

paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa akda.

Naglalaman ito ng mga konsepto tungkol sa maikling kuwentong

makabanghay. Naglalahad ito ng isang kuwento ng Singapore na pinamagatang Ang

Ama na isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena. Mula sa mababasang akdang

pampanitikan ng nasabing rehiyon sa Asya, makikita ang mga kaisipan na

makatutulong upang makabuo ang mga mag-aaral ng sariling paghatol o

pagmamatuwid sa mga ideyang masasalamin sa akdang pampanitikan na kanilang

nabasa.

Magiging daan ang pagbuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid para

mapaunlad ng isang indibidwal ang kaniyang sarili tungo sa isang maganda at maayos

na buhay. Makapagdudulot rin ang mga matututuhang aral sa pagtatamo ng mga

positibong pananaw sa buhay na magiging daan tungo sa tagumpay ng isang tao.

Nilalaman ng Modyul Ang modyul na ito ay may isang aralin:

Aralin 1 – Ang Ama

Maikling Kuwentong Makabanghay–Singapore

Isinalin sa Filipino ni Mauro R. Avena

Alamin

Ano ang Inaasahan Mo? Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay:

Nabubuo ang sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang

nakapaloob sa akda. (F9PB-Ia-b-39)

Page 6: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

2

Pangkalahatang Panuto

Paano mo Matututunan?

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

• Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.

• Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.

• Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin

Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul na ito.

Subukin

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito masususuri kung ano na ang iyong natutunan kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Balikan

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Tuklasin

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at nararapat mong matutunan upang malinang ang pokus na kompetensi.

Pagyamanin Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

Page 7: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

3

Subukin

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem. Isulat

lamang ang titik o letra ng mapipiling sagot sa iyong sagutang papel.

Para sa bilang 1-2

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka

tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang

ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo para sa

asawa at kiming iniabot naman ito agad, tulad ng nararapat.

______1. Mahihinuhang ang ama ay magiging ______________.

a. matatag b. matapang c. mabuti d. masayahin

______2. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ______________.

a. maawain b. matulungin c. mapagmahal d. maalalahanin

______3. Alin ang HINDI angkop na naglalarawan sa isang mabuting ama?

a. Ginagampanan ang responsibilidad sa kanyang asawa at anak.

b. Sinasaktan ang kanyang asawa at mga anak.

c. Naghahanapbuhay para may makain sa pang-araw-araw ang pamilya.

d. Tumutulong sa gawaing-bahay kapag may oras.

______4. Bigyan ng sariling paghatol o pagmamatuwid ang ideya sa loob ng kahon.

a. Hindi dapat mainggit sa kapwa sapagkat nasa sa iyo lamang kung paano

mo gagamitin ang isang pagkakataon para hindi ka mag-isa habambuhay.

b. Kailangang maglaan ng oras at panahon para makapaghanap ng

makakasama habambuhay.

c. Nararapat lamang na siya ay mainggit sapagkat wala na siyang oras para

sa kanyang sarili.

d. Dapat magkaroon siya ng pagpapahalaga sa buhay-pag-ibig upang

makahahanap siya ng mamahalin sa habambuhay.

______ 5. Ito ay sining ng paghihikayat sa mambabasa o makikinig na maniwala sa

opinyon ng isang tao

a. Pagpapaliwanag b. Pagmamatuwid c. Pagpapahayag d. Paglalahad

_______6. Kilalanin ang pangungusap na HINDI nagpapahayag ng angkop na

pagmamatuwid o paghatol.

a. Hindi sila magtatagumpay dahil takot silang makipagsapalaran sa buhay.

b. Kailangang magkaroon ng disiplina sa sarili upang magkamit ng tagumpay.

c. Magkaisa tayo tungo sa isang tagumpay.

d. Kung umuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang

pagkain at ang mga bata ay magsisiksikan sa takot na masaktan ng

kanilang ama.

“Inggit na inggit siya sa mga kasabayang doktor na nasa kanila na ang

lahat ng luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay.”

Page 8: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

4

______ 7. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Sa isang iglap, ang kanina pang

inip na inip na mga bata ay dumaga sa yaman.”

a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalarawan

_____ 8. Piliin ang pahayag na mas matimbang na nakatutulong sa pagbuo ng

paghatol o pagmamatuwid

a. Mabibigyan ka ng pagkakataong makabuo ng iyong pagpapasiya sa

kabisaan ng akdang binasa.

b. Pagbibigay ng kaalaman hinggil sa ideyang nais ipabatid ng may akda.

c. Mas madaling maintindihan ang bagay na dapat isaalang-alang.

d. Higit mo nang mabigyang-linaw ang mahahalagang detalyeng

ipinahihiwatig ng akdang binasa.

______ 9. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Ang ginawa ng ama sa kaniyang

mga anak ay hindi nararapat, kinakailangan niyang baguhin ang kanyang buhay para

sa mga natitira niya pang mga anak”.

a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalahad

_____ 10. Piliin ang pangungusap na nagpapahayag ng paghatol o pagmamatuwid.

a. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit

anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.

b. Marami mang pagsubok sa buhay o dumanas nang matinding kahirapan,

sakit at pagkabigo, kailangang gagawin ng magulang ang kanilang

makakaya para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

c. Umuwing lumuluha ang kanilang ama.

d. Magkahalong laging takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang

kanilang ama.

_____ 11. Ito ang dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng sariling paghatol o

pagmamatuwid

a. Dapat magkaroon muna ng karanasan bago makabuo ng paghatol o

pagmamatuwid.

b. Kinakailangang tumpak ang lahat ng iyong paghatol o pagmamatuwid.

c. Tiyakin lamang na walang kinikilingan sa gagawing paghatol at gawin itong

tiyak na hindi pabago-bago.

d. Walang karapatan ang mambabasa para maghatol o magmamatuwid.

_____12. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Bilang isang magulang, tungkulin

niyang gampanan ang kanyang reponsiblidad sa kanyang mga anak”.

a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalahad

_____13. Naghahatid ito ng ideya upang makabuo ng paghatol o pagmamatuwid.

a. ‘Di nagtagal, lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.

b. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.

c. Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay lamang ng puntod na

kaniyang hinintuan.

d. Kapag umuwi ang ama nang mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,

may pakakataong ilalayo ng mga bata si Mui-Mui.

Page 9: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

5

_____ 14. Posibleng ito ang mabubuong sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga

ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga pamantayan na taglay ng mambabasa.

a. Makabubuo ng paghatol o pagmamatuwid sa pamamagitan ng pagkalap ng

mga impormasyon.

b. Ibabatay ito sa sariling pamantayan ng mambabasa na ang ibig sabihin,

siya lamang ang tanging nakaaalam kung bakit ganoon ang kaniyang hatol.

Tama man o mali, karapatan ng isang mambabasa na ipahayag ito.

c. Ito ay ang pagkuha ng mga hindi tiyak na impormasyon.

d. Kinakailangang marami kang inihahandang kasinungalingan para

mapaniwala mo ang mga makikinig o mambabasa.

_____ 15. Ano ang paghatol o pagmamatuwid na sa palagay mo ay taglay ng maikling

kuwentong Ang Ama?

a. Mabuhay nang marangal, gawin ang nararapat at alamin kung ano ang

tama sa mali dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli.

b. Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay hindi matutumbasan ng kahit

anong yaman.

c. Ang pagmamalupit sa anak ay tanda lamang ng sobrang pagmamahal ng

magulang.

d. Tama lang na pabayaan ang pamilya kapag ikaw ay nagsawa na sa

kahirapan ng buhay.

Page 10: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

6

Aralin

Pagbubuo ng Sariling Paghatol o

Pagmamatuwid sa mga Ideyang

Nakapaloob sa Akda

1

Balikan

Gawain 1: Aral ng kwento

Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si

Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon, suriin at isa-isahin ang

aral na makikita sa kwento. Ipaloob ang sagot sa fish bone organizer.

Nang Minsang Naligaw si Adrian

Gawain 2: Kilalanin sila

Bilang mambabasa, paano mo huhusgahan ang mga tauhan sa binasang

kwento? Itala ang mga panghuhusga o ideya na iyong pinaniniwalaan o

pinangangatuwiranan. Pagkatapos, bigyan ito ng sariling pagmamatuwid.

Mga Tauhan Mga Ideya Pagmamatuwid

Adrian

Ama

Aral

Page 11: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

7

Tuklasin

Gawain 3: Ipaliwanag mo

Panuto: Masdang mabuti ang larawan sa ibaba. May kaugnayan ito sa aralin

natin. Ipaliwanag sa loob ng dalawang pangungusap ang kaugnayang ito. Isulat ang

sagot sa nakalaang patlang.

Isa sa mga karapatan mo ang malayang

pagpapahayag ngunit kaakibat ng karapatang ito ang

pagiging responsable sa anumang iyong sasabihin.

Dahil dito, kailangang matuto ka ng tama at

walang kinikilingan sa pagpapahayag ng iyong iniisip

at damdamin.

Lilinangin sa susunod na gawain ang

pagtamasa mo sa karapatang ito sa pamamagitan ng

pagbigay ng pagmamatuwid sa anumang ideyang

nakapaloob sa akda. Ibabatay mo ito sa sarili mong

pamantayan bilang mambabasa, na ibig sabihin, ikaw

lamang ang tanging nakaaalam kung bakit ganoon

ang iyong hatol. Tama man o mali, karapatan mong

ipahayag ito.

Tiyakin lamang na wala kang kinikilingan sa

gagawing paghahatol, gawin itong tiyak at hindi

pabago-bago.

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

__________________________________

_________

Page 12: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

8

Gawain 4: Ipahayag mo

Panuto: Sumasagisag ang larawan sa Gawain 3 ng dapat nating gawin upang

maging mas makabuluhan ang gawaing pagbabasa at pagbibigay ng hatol o

pagmamatuwid. Ngayon, basahin ang ilang sipi na nasa ibaba na mula sa maikling

kuwento. Nagtataglay ito ng mga ideya. Suriin ang mga ideyang ito at isulat sa angkop

na kahon sa ibaba. Gamiting gabay ang tanong sa ibaba sa pagbibigay ng ideya.

Ano ang masasabi mo sa kaisipang mula sa isang maikling kuwento?

Kaisipan Ideya

Magkahalo lagi ang takot

at pananabik kapag

hinihintay ng bata ang

kanilang ama. Ang takot

ay sa alaala ng isang

lasing na suntok sa bibig

na nagpapatulo ng dugo

at nagpapamaga ng ilang

araw sa labi.

Naninipat ang mga

matang titingnan nila kung

may brown na supot na

nakabitin sa tali sa mga

daliri nito.

Sa ibang mga gabi, hindi

paghikbi ang maririnig ng

mga bata mula sa

kanilang ina, kundi isang

uri ng nagmamakaawa at

ninenerbiyos na pagtawa

at malakas na bulalas na

pag-ungol mula sa

kanilang ama at sila'y

magtatanong kung ano

ang ginagawa nito.

Page 13: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

9

Suriin

Basahin ang buod ng maikling kuwentong Ang Ama upang mabigyan ng

sariling paghatol at pagmamatuwid ang mga ideyang taglay nito.

Ano nga ba ang maikling kwento? Paano natin mabibigyan

ng paghatol o pagmamatuwid ang isang maikling kuwento?

Ang maikling kuwento ay isang uri ng panitikang masining

na naglalahad ng mga pangyayari. Ang banghay nito ay hindi

gaanong tumatalakay sa masasalimuot na pangyayari sapagkat

inaasahang mababasa ito sa isang upuan lamang. Ang maikling

kuwento ay hindi kahabaan tulad ng nobela, higit na kakaunti ang

mga tauhan, mas mabilis ang paglalahad at higit na matipid sa

paggamit ng pananalita.

Gayunpaman, may mga kuwentong hindi laging

winawakasan. Minsan ay hinayaan ng may-akda na mabitin ang

wakas ng kuwento at nasa mambabasa ang paghatol o

pagmamatuwid kung ano sa palagay niya ang maaaring

kahihinatnan ng kuwento.

Ang paghatol o pagmamatuwid ay sining ng paghihikayat sa

mambabasa o makikinig na maniwala sa opinyon ng isang tao. May

dalawang paraan ng paglalahad ng pagmamatuwid, ang pabuod at

pasaklaw. Ang

pabuod ay nagsisimula sa pagbanggit ng mga detalye patungo sa

isang konklusyon. Samantalang ang paraang pasaklaw ay

nagsisimula sa alituntunin o simulain at patungo sa mga tiyak na

detalye o katibayan.

Kung magkaminsan, sa iyong pagbabasa ay may

matatagpuan kang mga kaisipang nagpapagulo sa iyong isipan. Ito

ang mga kaisipang maaaring may kaugnayan sa pangunahing

paksa ng akdang binabasa. Dahil dito, nagkakaroon ng mga ideya

upang makabuo ng sariling paghahatol o pagmamatuwid hinggil sa

pagiging mabisa ng mga ideyang inilalahad sa binasang akda.

Makikilala kaagad ang mga kaisipang ito sapagkat ito ay

nagsasaad ng mga ideyang nais ipabatid ng akdang binasa.

Page 14: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

10

Ang Ama

Maikling Kuwentong Makabanghay mula sa Singapore na isinalin sa Filipino ni

Mauro R. Avena

Nagsimula ang kuwento na may magkahalong nararamdamang takot at pananabik

kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot sa tuwing uuwing lasing at sila ay

bugbugin. Pananabik dahil paminsan-minsan ay may iniuuwi itong isang malaking supot ng

mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ngunit ang isang supot na pansit ay para lamang

sa kanya, marami lang ito at hindi niya kayang maubos, kaya’t ang natitira ay

pinagkakaguluhan ng mga bata. Hinahati ito ng ina at bibigyan ng kanya-kanyang parte ang

lahat kahit ito’y sansubo lamang.

Anim lahat ang mga bata. Ang dalawang pinakamatanda ay isang lalaki na dose anyos

at isang babae na onse; matatapang ang mga ito kahit na payat. May dalawang lalaking

kambal na nuwebe anyos, isang maliit na babae na otso anyos at isang dos anyos na maliit

pa at bunso sa mga magkakapatid.

Laging natatakot ang mga bata sa kanilang ama na sinasaktan sila, at ang laging

nasasaktan nito ay si Mui-Mui. Nang umuwi ang ama na nasisante sa trabaho sa lagarian, si

Mui-Mui na iyak nang iyak ay biglang sinuntok sa mukha na tumalsik sa kabila ng kuwarto.

Nahimasmasan naman ito ngunit pagkaraan ng dalawang araw, si Mui-Mui ay binawian na ng

buhay dahil sa pangyayari.

Labis na kalungkutan ang nadama ng ama sa pagkawala nito. May binigay na abuloy

ang kaniyang amo at napagtanto sa kanyang sarili na dapat na siyang maging mabuting ama.

Nagtungo siya ng bayan at namili ng pagkain. Nakita ito ng kanyang ibang anak, at sinundan

nila ang ama, patungo ito sa libingan ng kanyang anak na si Mui -Mui. Inihandog niya ito sa

anak, ngunit umulan. Pinagsaluhan ng mga bata ang natirang pagkain mula sa mga nasira ng

ulan na binili ng kanilang ama.

Gawain 5:. Hatulan Mo!

Panuto: Gamitin ang tsart sa ibaba upang itala ang mga nasabing kaisipan

mula sa binasang maikling kuwento. Maaaring gamitin ang kaisipan na nasa Gawain

4. Pagkatapos, magbigay ng sariling paghatol at pagmamatuwid kaugnay nito.

Gamiting gabay sa pagtatala ng kaisipan at pagbibigay ng sariling paghatol at

pagmamatuwid ang kraytiryang makikita sa ibaba.

Kraytirya

Ganap na

Naisagawa

(3)

Bahagyang

Naisagawa

(2)

Hindi

Naisagawa

(1)

1. Organisasyon sa pagkuha ng mga kaisipan.

2. Naging malinaw ang batayan sa pagbigay ng

paghatol o pagmamatuwid.

3. Magkaugnay ang pagbibigay hatol o

pagmamatuwid.

4. Kawastohan sa paghatol o pagmamatuwid na

ginamit.

5. Masining na estilo sa pagsusulat.

Mga kaisipan Paghatol Pagmamatuwid

Page 15: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

11

Pagyamanin

Gawain 6: Paunlarin mo

Panuto: Lagyan ng bilog ( ) ang patlang bago ang bilang ng mga pangungusap na

nagpapahayag ng paghatol o pagmamatuwid.

________1. Ang buhay ay isang tanghalan at tayo ang mga artista rito. Bawat isa sa

atin ay may papel na dapat gampanan.

________ 2. Kailangang gampanan ng magulang ang kanilang tungkulin na alagaan

at mahalin ang kanilang mga anak.

________ 3. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit

anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.

________ 4. Dapat ang mga magulang ay handang magsakripisyo at gagawin lahat

para lang sa kanilang mga anak kahit pa buhay ang nakasalalay. Hindi

magdadalawang isip ang mga magulang na isakripisyo kahit pa buhay nila ang kapalit

alang-alang sa kanilang mga anak.

________5. Marami mang pagsubok sa buhay o dumanas ng matinding kahirapan,

sakit at pagkabigo sa buhay, gagawin ng magulang ang kanilang makakaya para sa

kapakanan ng kanilang mga anak.

Gawain 7: Pagyamanin pa ang natutunan

Panuto: Bumuo ng isang sanaysay na may paghatol o pagmamatuiwd. Pumili

ng magiging paksa sa mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sanaysay sa

kwaderno.

a. Ang buhay ay parang gulong.

b. Tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran.

Gamitin bilang gabay ang kraytirya upang makabuo ng mahusay na sanaysay

na may angkop na paghatol at pagmamatuwid..

Kraytirya

Ganap na

Naisagawa

(3)

Bahagyang

Naisagawa

(2)

Hindi

Naisagawa

(1)

1. Organisasyon sa pagkuha ng mga ideya.

2. Naging malinaw ang batayan sa

pagbigay ng paghatol o pagmamatuwid.

3. Magkaugnay ang pagbibigay hatol o

pagmamatuwid.

4. Kawastohan sa paghatol o

pagmamatuwid na ginamit.

5. Masining na estilo sa pagsusulat

Kabuoan

Page 16: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

12

Isaisip

Gawain 8: Aking natuklasan

Panuto: Sa loob ng dalawang pangungusap, sagutin ang tanong. Paano ba

makabubuo ng sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga ideyang nakapaloob sa

akda batay sa mga pamantayan na taglay ng mambabasa? Isulat ang sagot sa inyong

kwaderno.

Ngayong marunong ka nang kumilala at

magpahayag ng pangungusap na naglalahad

ng paghatol o pagmamatuwid, dapat tandaan

mo ang impormasyong ito.

Ang paghatol o pagmamatuwid ang isa

sa mga kasanayang dapat mong malinang lalo

na sa pagbabasa.

Kapag iyong natukoy ang mga kaisipang

ito, mabibigyan ka ng pagkakataong makabuo

ng iyong sariling pagpapasiya sa kabisaan ng

akdang binabasa.

Higit mo na ring mabibigyang-linaw ang

mahahalagang detalyeng ipinahihiwatig ng

akdang binasa.

Makabubuo ako ng sariling

paghatol o pagmamatwid kung

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_____________________________

_______________

Page 17: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

13

Isagawa

Gawain 9: Sariling paghatol at pagmamatuwid

Panuto: Basahin ang isang bahagi ng maikling kuwento na nasa loob ng

kahon. Suriin ang mga bahagi at bigyan ng paghatol o pagmamatuwid batay sa

ideyang nakapaloob sa binasang akda. Ipaloob ang paghatol o pagmamatuwid sa loob

ng tatlo hanggang limang pangungusap lamang. Isulat ang sagot sa kwaderno. (5

punto ang bawat bilang)

A. Paghahatol/Pagmamatwid:

B. Paghatol/pagmamatuwid:

Buod

Sa kabuuan, malaki ang naitutulong ng pagbibigay ng sariling paghatol o

pagmamatuwid sapagkat naisaalang-alang kung ano ang nararapat gawin sa mga

bagay na alam mong hindi tama. Ang pagkuha ng mga pangunahing ideya mula sa

binasang akda ay makatutulong din upang makabuo ng paghatol o pagmamatuwid.

Madalas na masapok ang mukha ng kanilang ina; madalas iyong marinig

ng mga bata na humihikbi sa mga gabing tulad nito, at kinabukasan ang mga

pisngi at mata niyon ay mamamaga, kaya mahihiya itong lumabas upang

maglaba sa malalaking bahay na katabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi

ang maririnig ng mga bata mula sa kanilang ina, kundi isang uri ng

nagmamakaawa at ninenerbiyos na pagtawa at malakas na bulalas na pag-

ungol mula sa kanilang ama at sila'y magtatanong kung ano ang ginagawa nito.

Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay lamang ng puntod

na kaniyang hinintuan. Lumuhod at dinukot ang mga laman ng supot na

dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,

"Pinakamamahal kong anak walang maiaalay sa lyo ang iyong ama kundi ang

mga ito. Sana'y tanggapin mo." Nagpatuloy itong nakipag-usap sa anak

habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mga bata.

Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit

anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.

Page 18: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

14

Nakapagpapahayag ka rin ng sarili mong pamantayan kung bakit ganoon na

lamang ang iyong magiging hatol o pagmamatuwid. Tama man o mali, ang bawat

indibidwal ay may karapatang humatol o magbigay ng matuwid sa anumang ideyang

nakapaloob sa akda. Dapat isaalang-alang lamang na tiyak, walang kinikilingan at

hindi pabago-bago ang gagawing paghatol o pagmamatuwid.

Tayahin

Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.

Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili mong sagot sa iyong sagutang papel.

Para sa bilang 1-2

Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka

tumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti na siyang

ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kaniyang amo para sa

asawa at kiming iniabot naman ito agad, tulad ng nararapat.

______1. Mahihinuhang ang ama ay magiging ______________.

a. matatag b. matapang c. mabuti d. masayahin

______2. Ipinahihiwatig ng teksto na ang ama ay ______________.

b. maawain b. matulungin c. mapagmahal d. maalalahanin

______3. Alin ang HINDI angkop na naglalarawan sa isang mabuting ama?

a. Ginagampanan ang responsibilidad sa kanyang asawa at anak.

b. Sinasaktan ang kanyang asawa at mga anak.

c. Naghahanapbuhay para may makain sa pang-araw-araw ang pamilya.

d. Tumutulong sa gawaing-bahay kapag may oras.

______4. Bigyan ng sariling paghatol o pagmamatuwid ang ideya sa loob ng kahon

na nagmula sa binasang akda.

a. Hindi dapat mainggit sa kapwa sapagkat nasa sa iyo lamang kung paano

mo gagamitin ang isang pagkakataon para hindi ka mag-isa habambuhay.

b. Kailangang maglaan ng oras at panahon para makapaghanap ng

makakasama habambuhay.

c. Nararapat lamang na siya ay mainggit sapagkat wala na siyang oras para

sa kanyang sarili.

d. Dapat magkaroon siya ng pagpapahalaga sa buhay-pag-ibig upang

makahahanap siya ng mamahalin sa habambuhay.

______ 5. Ito ay sining ng paghihikayat sa mambabasa o makikinig na maniwala sa

opinyon ng isang tao

a. Pagpapaliwanag b. Pagmamatuwid c. Pagpapahayag d. Paglalahad

“Inggit na inggit siya sa mga kasabayang docktor na nasa kanila na ang

lahat ng luho at oras na makahanap ng babaing makakasama habambuhay.”

Page 19: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

15

_______6. Kilalanin ang pangungusap na HINDI nagpapahayag ng angkop na

pagmamatuwid o paghatol.

a. Hindi sila magtatagumpay dahil takot silang makipagsapalaran sa buhay.

b. Kailangang magkaroon ng disiplina sa sarili upang magkamit ng tagumpay.

c. Magkaisa tayo tungo sa isang tagumpay.

d. Kung umuwi itong pasigaw-sigaw at padabog-dabog, tiyak na walang

pagkain at ang mga bata ay magsisiksikan sa takot na masaktan ng

kanilang ama.

______ 7. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Sa isang iglap, ang kanina pang

inip na inip na mga bata ay dumaga sa yaman.”

a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalarawan

_____ 8. Piliin ang pahayag na mas matimbang na nakatutulong sa pagbuo ng

paghatol o pagmamatuwid

a. Mabibigyan ka ng pagkakataong makabuo ng iyong pagpapasiya sa

kabisaan ng akdang binasa.

b. Pagbibigay ng kaalaman hinggil sa ideyang nais ipabatid ng may akda.

c. Mas madaling maintindihan ang bagay na dapat isaalang-alang.

d. Higit mo nang mabigyang - linaw ang mahahalagang detalyeng

ipinahihiwatig ng akdang binasa.

______ 9. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Ang ginawa ng ama sa kaniyang

mga anak ay hindi nararapat, kinakailangan niyang baguhin ang kanyang buhay para

sa mga natitira niya pang mga anak”.

a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalahad

_____ 10. Piliin ang pangungusap na nagpapahayag ng paghatol o pagmamatuwid.

a. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantang mapunit

anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.

b. Marami mang pagsubok sa buhay o dumanas nang matinding kahirapan,

sakit at pagkabigo, kailangang gagawin ng magulang ang kanilang

makakaya para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

c. Umuwing lumuluha ang kanilang ama.

d. Magkahalong laging takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang

kanilang ama.

_____ 11. Ito ang dapat isaalang-alang sa pagbubuo ng sariling paghatol o

pagmamatuwid

a. Dapat magkaroon muna ng karanasan bago makabuo ng paghatol o

pagmamatuwid.

b. Kinakailangang tumpak ang lahat ng iyong paghatol o pagmamatuwid.

c. Tiyakin lamang na walang kinikilingan sa gagawing paghatol at gawin itong

tiyak na hindi pabago-bago.

d. Walang karapatan ang mambabasa para maghatol o magmamatuwid.

_____12. Ibigay ang isinasaad ng pangungusap na “Bilang isang magulang, tungkulin

niyang gampanan ang kanyang reponsiblidad sa kanyang mga anak”.

a. Pagmamatuwid b. Pagpapaliwanag c. Pagpapahayag d. Paglalahad

Page 20: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

16

_____13. Naghahatid ito ng ideya upang makabuo ng paghatol o pagmamatuwid.

a. ‘Di nagtagal, lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretso sa mesa.

b. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kaniyang mga luha at saka tumayo.

c. Dumating ito sa libingan sa tabing gulod. Kahuhukay lamang ng puntod na

kaniyang hinintuan.

d. Kapag umuwi ang ama nang mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysa dati,

may pakakataong ilalayo ng mga bata si Mui-Mui.

_____ 14. Posibleng ito ang mabubuong sariling paghatol o pagmamatuwid sa mga

ideyang nakapaloob sa akda batay sa mga pamantayan na taglay ng mambabasa.

a. Makabubuo ng paghatol o pagmamatuwid sa pamamagitan ng pagkalap ng

mga impormasyon.

b. Ibabatay ito sa sariling pamantayan ng mambabasa na ang ibig sabihin,

siya lamang ang tanging nakaaalam kung bakit ganoon ang kaniyang hatol.

Tama man o mali, karapatan ng isang mambabasa na ipahayag ito.

c. Ito ay ang pagkuha ng mga hindi tiyak na impormasyon.

d. Kinakailangang marami kang inihahandang kasinungalingan para

mapaniwala mo ang mga makikinig o mambabasa.

_____ 15. Ano ang paghatol o pagmamatuwid na sa palagay mo ay taglay ng maikling

kuwentong Ang Ama?

a. Mabuhay nang marangal, gawin ang nararapat at alamin kung ano ang

tama sa mali dahil ang pagsisisi ay laging nasa huli.

b. Ang pagmamahal ng magulang sa anak ay hindi matutumbasan ng kahit

anong yaman.

c. Ang pagmamalupit sa anak ay tanda lamang ng sobrang pagmamahal ng

magulang.

d. Tama lang na pabayaan ang pamilya kapag ikaw ay nagsawa na sa

kahirapan ng buhay.

Page 21: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

17

Karagdagan gawin

Panuto: Batay sa nabasa mong maikling kuwentong Ang Ama bumuo ka ng

sarili mong paghatol o pagmamatuwid hinggil sa ugaling ipinakita ng ama sa kanayang

anak. Ilahad ang sagot sa loob ng tatlong hanggang apat na pangungusap. Gamiting

gabay ang pamantayan sa ibaba.

Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na kraytirya.

3 2 1

Ganap na

Naisagawa

Bahagyang

Naisagawa

Hindi

Naisagawa

1. Organisasyon sa pagbuo

ng mga ideyang

nakapaloob sa akda.

2. Naging malinaw ang

batayan sa pagbigay ng

paghatol o

pagmamatuwid.

3. Magkaugnay ang

pagbibigay hatol o

pagmamatuwid na

nakapaloob sa akda.

4. Kawastohan sa pagbuo

ng paghatol o

pagmamatuwid na

nakapaloob sa akda.

5. Masining na estilo sa

pagsusulat.

Kabuoan

Page 22: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

18

Susi sa Pagwawasto

Sanggunian

Peralta, RN. Et. al. 2014. Panitikang Asyano. Korea: Prinpia, Co.,Ltd.

Subukin/Tayahin

1. B 8. A

2. B 9. A

3. B 10. B

4. B 11. C

5. C 12. A

6. D 13. B

7. D 14. B

15. A

Gawain 1: Batay sa pamantayan ang pagwawasto ng guro.

Gawain 2: Nasa guro ang pagpapasya. O kaya ay tingnan ang pamantayan sa

pahina 17 bilang gabay.

Gawain 3: Nasa guro ang pagpapasya. O kaya ay tingnan ang pamantayan sa

pahina 17 bilang gabay.

Gawain 4: Nasa guro ang pagpapasya. O kaya ay tingnan ang pamantayan sa

pahina 17 bilang gabay.

Gawain 5: Batay sa pamantayan ang pagwawasto ng guro.

Gawain 6

1.O 2. O 3. 4. O 5. O

Gawain 7: Batay sa pamantayan ang pagwawasto ng guro.

Gawain 8: Nasa guro ang pagpapasya. O kaya ay tingnan ang pamantayan sa

pahina 17 bilang gabay.

Gawain 9: Nasa guro ang pagpapasya. O kaya ay tingnan ang pamantayan sa

pahina 17 bilang gabay.

Karagdagang gawain: Batay sa pamantayan ang pagwawasto ng guro.

Page 23: NOT Filipino - 307020-srnhs.com€¦ · Gawain 1: Aral ng kwento Balikan ang pinakinggang kwento na Nang Minsang Naligaw si Adrian. Punong-puno ng aral ang kuwentong ito. Ngayon,

19

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Division of Iligan City

Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City

Telefax:(063)221-6069

E-mail Address: [email protected]