Anne rose 22

Post on 23-Jun-2015

518 views 0 download

Transcript of Anne rose 22

Leonardo da Vinci

Si Leonardo da Vinci (Vinci , Italya , Abril 15,1452 –Mayo 2, 1519 , Cloux , Pransya) ay isang Italyanong Renasimyentong polimata: isang arkitekto,embalsamador musikero, anatomista, imbentor, inhenyero, eskultor, heometro at pintor.

Sinasalarawan siya bilang arketipo ng "Renasimyentong tao" at unibersal na henyo, isang tao na mausisa at maimbento. Tinuturing din siya bilang pinakadakilang pintor na nabuhay.

Sa kanyang buong buhay, si Leonardo — hindi alam ang kanyang apelyido, "mula sa Vinci" ang ibig sabihin ng "da Vinci" — naging isang inhinyero, pintor, anatomista, pisiyolohista at iba pa.

Ang kanyang buong pangalan "Leonardo di ser Piero da Vinci", nangangahulugang "Leonardo, ng ser Piero mula sa Vinci".

Tanyag si Leonardo sa kanyang mga pintura, katulad ng Mona Lisa at The Last Supper, gayon din ang mga maimpluwensyang guhit katulad ng Vitruvian Man.

Nagdisenyo siya ng mga imbensyon na pinangunahan ang makabagong teknolohiya.

Katulad ng helikopter, tangke, gamit ng solar power, at calculator, atbp., bagaman ilan lamang sa mga disenyo ang naisagawa sa kanyang buong buhay.

Karagdagan pa nito, pinasulong niya ang pag-aaral sa anatomiya, astronomiya, at inhinyeriyang sibil.

Sa kanyang mga gawa, iilan lamang ang nanatiling mga pintura niya, kasama ang mga sulatin (nakakalat sa kanyang mga iba't ibang mga koleksyon) na may mga guhit, siyantipikong pagsasalarawan at mga tanda. 

Dalawang halimbawa na nilikha ni Leonardo da Vinci :

*MONA LISA*THE LAST SUPPER

MONA LISA

Ang Mona Lisa (na kilala rin bilang La Gioconda) ay isang ika-16th daantaong larawang ipininta sa langis sa ibabang ng panel na poplar ni Leonardo Da Vinci noong Italyanong Renaissance.

Pag-aari ang dibuho ng Pamahalaang Pranses at nakatanghal sa Musée du Louvre ng Pransya na pinamagatang Larawan ni Lisa Gherardini , kabiyak ni Francesco del Giocondo.

Kalahati laman ang laki larawan na nagpapakita ng isang babaeng nilalang na may kabighabighani o enigmatikong pamamahayag ng mukha.

Ang ambigwidad o pagaalangan sa itsura ng ipinintang babae, isang kalahating komposisyong ng isang pigura, at ang payak na paghuhulma sa mga hugis at ilusyong pangkapaligiran o atmosperiko ay isang katangi-tanging mga katangian na nakatulong sa patuloy na pagiging kahikahikayat ng dibuho.

Iilan lamang sa iba pang mga akdang-sining ang naging paksa ng pagsusuri, pagaaral, mitohilisasyon at parodiyang ang inialay sa katulad ng Mona Lisa.

THE LAST SUPPER

Sa mga Mabuting Balita ng mga Kristiyano, ang Huling Hapunan (tinatawag ding Hapunan ng Panginoon o Hapunang Mistiko) ay ang huling pagkain niHesus na kasalo niya ang Labindalawang Alagad at iba pang mga disipulo bago ang kaniyang kamatayan. 

 Naging paksa ang Huling Hapunan ng maraming mga larawang naipinta, at ang isa sa mga pinakabantog ay ang dibuhong nilikha ni Leonardo da Vinci.

REFERENCES :

http://www.google.com.ph/imgres?q=THE+LAST+SUPPER&hl=en&safe=off&sa=G&noj=1&biw=1024&bih=677&tbm=isch&tbnid=HeRjYsel15tvuM:&imgrefurl=http://www

http://tl.wikipedia.org/wiki/The_Last_Supper

http://tl.wikipedia.org/wiki/Leonardo_da_Vinci

http://tl.wikipedia.org/wiki/Mona_Lisa_(dibuho)

POWER POINT PRESENTATION

in

WORLD HISTORY

ANNE ROSE M. DE ASIS

BSED - 2F (SOCIAL STUDIES)